Mga Tradisyon Ng Mga Pilipino
- Ito ang mga nakagisnang gawain ng pilipino at patuloy na umiiral magpahanggang ngayon dahil na rin ang mga pilipino ay likas na mahilig sumunod sa tradisyon, hindi lang dahil nauuso ito kaya sila nakiki-isa kung hindi nakiki-isa ang bawat pilipino bilang pagrespeto at makisaya na din sa mga nagdaraan na tradisyon sa ating bansa taon-taon. ito rin ay pamana ng ating mga ninuno at naisalin na din mula sa ating magulang papunta sa kani-kanilang mga anak
Narito ang iba pang halimbawa ng mga tradisyon
- Fiesta - ibat-ibang pista ang idinaraos sa ating bansa bilang pasasalamat sa magandang ani.
- Senakulo/Mahal na araw - dito dinadala ang pagkamatay ng ating amang panginoong Diyos, andyan rin ang mga namamanata sa kani-kanilang santo.
- Pamamanhikan - marahil ang iba ay hindi na alam kung paano ito gawin. ito rin ang paraan noon para mapagkasundo ang mag-asawa at ang kanilang magulang.
- Harana - nawawala na rin ang ganitong paraan sa mga modernong tao dahil noon sa bahay talaga nililigawan hindi sa mga cellphone chat lang dahil dati ay pahirapan makadali ng mapapang-asawa
- Simbang gabi - ito ay hindi mawawala sa mga kapatid nating mga katoliko na lubos ang pananampalataya sa ating panginoong Diyos
- Flores de Mayo - ito ay kung tawagin "sagala" isang pares ng maginoo at dalaga pwede ring mga bata na lilibot sa buong barangay
- Fiesta - ibat-ibang pista ang idinaraos sa ating bansa bilang pasasalamat sa magandang ani.
- Senakulo/Mahal na araw - dito dinadala ang pagkamatay ng ating amang panginoong Diyos, andyan rin ang mga namamanata sa kani-kanilang santo.
- Pamamanhikan - marahil ang iba ay hindi na alam kung paano ito gawin. ito rin ang paraan noon para mapagkasundo ang mag-asawa at ang kanilang magulang.
- Harana - nawawala na rin ang ganitong paraan sa mga modernong tao dahil noon sa bahay talaga nililigawan hindi sa mga cellphone chat lang dahil dati ay pahirapan makadali ng mapapang-asawa
- Simbang gabi - ito ay hindi mawawala sa mga kapatid nating mga katoliko na lubos ang pananampalataya sa ating panginoong Diyos
- Flores de Mayo - ito ay kung tawagin "sagala" isang pares ng maginoo at dalaga pwede ring mga bata na lilibot sa buong barangay
Mula Batanes hangang Julo saan ka man pumunta sa suluksulukan ng ating sinilangang bayan, ay mayroon tayong samutsaring piyesta na ipinagdidwang. Hindi tiyak ang bilang nang mga ito . Piyesta rito piyesta roon . Siksik liglig at umaapaw ang mga ito. Buwan buwan kung saan isinasagawa ito. Mayroong mga piyesta na bilang pasasalamat sa kanukanilang mga patron. Mayroon din namang nagdidiwang dahil sa ito na ang kanilang ginagisnan. Na nagmumula sa ating kaninu nunuan . Nakikiisa , nakikidiwang at nakikisaya ang bawat isa . Ipinapakita rito kung mayroong pakikisama ang bawat isa. At halata ngang nakikisa ang lahat dahil sa araw nang piyesta nagsisilitawan ang mga suportadong mga tao. Mayroong mga piyesta na nagsasagawa nang patimpalak . Upang ipakita ang kagilalas gilalas na mga talento na mayroon ang bawat isa. Totoo ngang "It's More Fun In The Philippines" sapagkat sa piyesta palang ay maipapakita na natin ang kasiyahan na mayroon ang ating bansa.
Mga Sikat Na Pista Sa Pilipinas
Sinulog Festival ( Cebu )
Ang salitang Sinulog ay nagmula sa salitang Cebuano na may ibig sabihin na, "tulad ng agos ng tubig." Itinutukoy dito ang sulong-urong na lakdaw padyak ng sayaw ng Sinulog. Ang mga mananayaw ay kadalasang sumasayaw ng pasulong at paurong kasabay sa tiyempo ng tambol.
Sumisiklab ang Lungsod Cebu, Cebu tuwing Enero dahil sa pagdiriwang ng Sinulog. Gaya ng Ati-atihan, ang Sinulog ay tinatampukan ng sagradong imahen ng Santo Niño, at sa himig ng “Pit Señor! Hala, Bira!” ay yayanigin ng tambol, palakpak, at hiyawan ng mga tao ang buong lungsod. Ang Sinulog ay binubuo ng halos isang buwan na paggunita sa mahal na patron ng mga Sebwano, at kabilang dito ang Sinulog Bazaar, ang timpalak Sinulog, ang sining at pangkulturang pagtatanghal, prusisyon, ang parada doon sa Ilog Mactan, ang Reyna ng Sinulog, at ang makukulay na kuwitis na pinasasabog sa himpapawid.
Bago pa man dumating ang mga Kastila, ang Sinulog ay sinasayaw na ng mga Filipino sa Cebu sa kanilang pagbibigay-bunyi sa kanilang mga anito. Noong dumating Ferdinand Magellan sa Cebu noong 1521, si Rajah Humabon, kasama ang kaniyang asawa na si Amihan gayun din ang mga 800 mga katutubo ang ninais na mabinyagan bilang Katoliko. Ibinigay ni Magellan ang imahen ni Santo Niño sa asawa ni Rajah Humabon at pinangalanang Juana. Ang pangyayaring ito ay hindi lamang nagpakilala kay Santo Niño sa mga taga-Cebu kundi ito din ay naging isang napakahalagang karanasan: ang representasyon ni Reyna Juana, hawak ang imahen ni Santo Niño na binabasbasan ang kanilang mga tauhan upang mailayo sila sa sakit at masamang espiritu at maging importanteng bahagi ng sayaw ng Sinulog.
Noong dumating si Miguel Lopez de Legazpi at ang kaniyang mga tauhan sa Cebu noong 1565, isa sa mga sundalo ang nakatuklas ng isang kahon na may imahen ni Santo Niño. Ito ay napapaligiran ng bulaklak at mga pigurin ng mga anito. Ayon sa mga mananalaysay, ang mga pagbabago, mula sa pagsayaw ng Sinulog, sa pagsamba sa mga anito hanggang sa pagbubunyi kay Santo Niño ay naganap sa loob ng 44 na taon sa pagitan ng pagdating ni Magellan at Legazpi.
Idineklara ng Augustinian order na ang naturang imahen ay milagroso at itinatag nila ang simbahan kung saan ito nadiskubre. Ipinangalan ito na San Agustin Church hanggang pinalitan ito sa Basilica Minore del Santo Niño.
Ang debosyon sa Santo Niño ay tumagal at sumulong sa kultura ng Pilipinas sa pagdaan ng mga siglo lalo na sa rehiyon ng Visayas. Ang mga pilgrimo ay naglalakbay taon-taon sa Basilica upang makilahok sa prusisyon at sa kapistahan. Noong 1980, ang lokal na pamahalaan ng Cebu ay nangasiwa sa pagsasaayos ng Sinulog festival. Ang direktor noon ng Ministry of Sports and Youth Development na si David S. Odilao, Jr., ay nagtatag ng grupo ng mga estudyante at tinuruan sila ng sayaw ng Sinulog kasabay sa tiyempo ng tambol at pinagsuot ng moro-moro costumes upang makilahok sa pinakaunang parada ng Sinulog. Sa tagumpay ng pinakaunang kapistahan, ang event na ito ay isinagawa kada-taon.
Ang iba pang bersyon ng Sinulog ay makikita sa iba't-ibnag parte ng Cebu. Dahil sa commercialization ng pistang ito, ang Cebu ay ang nangungunang destinasyon ng mga turista tuwing buwan ng Enero sa Pilipinas.
Dinagyang Festival ( Ilo-ilo )
Ang Dinagyang Festival ay isang relihiyoso at kultural na pagdiriwang na ginaganap sa lungsod ng Iloilo tuwing ikatlong linggo ng Enero o pagkatapos ng Sinulog sa Cebu at Ati-Atihan sa Aklan. Ginagawa ito bilang pagdiriwang sa pista ng Santo Niño at para na rin sa pagdating ng mga Malay sa Panay na nagdala ng ita sa lugar. Simula ng ito ay gawing taunang selebrasyon, marami ang nakapansin sa pagdiriwang at nabigyan ito ng National Commission for the Culture and the Arts ng karangalan bilang Festival of Excellent Folk Choreography.
Naging tradisyon ang Dinagyang matapos ipakilala ni Padre Ambrosio Galindez, isang pari sa parokya, ang debosyon sa Santo Niño noong 1967. Noong 1968, isang replica ng orihinal na imahen ng Santo Niño de Cebu ang dinala sa Iloilo ni Padre Sulpicio Enderez bilang isang regalo sa parokya ng San Jose. Ang mga miyembro ng simbahan, na pinangunahan ng Confradia del Santo Niño de Cebu ng Iloilo, ay nagtulung-tulong upang mabigyan ang imahe ng patron, kaya pumarada ang mga ito mula sa mga kalsada hanggang sa paliparan ng Iloilo. Noong una, ang pagdiriwang ay ginagawa lamang sa loob ng simbahan ngunit nang maglaon ay dinala na ito sa labas. Napagkasunduan ng Confradia na itulad ang selebrasyon sa Ati-Atihan ng Ibajay, Aklan, kung saan ang mga kalahok sa selebrasyon ay nagsasayaw sa daan habang ang kanilang mga katawan ay mayroong uling.
Naging tradisyon ang Dinagyang matapos ipakilala ni Padre Ambrosio Galindez, isang pari sa parokya, ang debosyon sa Santo Niño noong 1967. Noong 1968, isang replica ng orihinal na imahen ng Santo Niño de Cebu ang dinala sa Iloilo ni Padre Sulpicio Enderez bilang isang regalo sa parokya ng San Jose. Ang mga miyembro ng simbahan, na pinangunahan ng Confradia del Santo Niño de Cebu ng Iloilo, ay nagtulung-tulong upang mabigyan ang imahe ng patron, kaya pumarada ang mga ito mula sa mga kalsada hanggang sa paliparan ng Iloilo. Noong una, ang pagdiriwang ay ginagawa lamang sa loob ng simbahan ngunit nang maglaon ay dinala na ito sa labas. Napagkasunduan ng Confradia na itulad ang selebrasyon sa Ati-Atihan ng Ibajay, Aklan, kung saan ang mga kalahok sa selebrasyon ay nagsasayaw sa daan habang ang kanilang mga katawan ay mayroong uling.
Ati - atihan Festival ( Aklan )
Ipinagdiriwang tuwing ikalawa hanggang ikatlong linggo ng Enero kada taon ang pista ng Ati-atihan sa Kalibo, Aklan, bilang pagdakila sa Santo Niño. Nagpapahid ng uling sa mukha at katawan ang mga mananayaw, samantalang patuloy ang ritmo ng tambol na waring nagsasagutan sa himig ng “Hala, Bira!” Makikilahok ang buong bayan sa pista, magbabahaginan ng pagkain at inumin, at isang linggong malalango ang mga lansangan. Hinango ang pista sa maalamat na pagtatagpo ng mga katutubo at ng mga Kristiyanong mananakop, at ang pagsamba sa Santo Niño na malimit hinihingan ng milagro.
Ang selebrasyon ng Ati-atihan ay dinadagsa ng mga lokal at dayuhang turista hanggang ngayon.
Noong ika-13 siglo (c.1212AD), ipinagbili ng isang grupo ng mga Ati ang isang maliit na lupain sa mga Malay datus. Ang mga Ati ay ang mga orihinal na naninirahan sa Panay Island. Sa sobrang katuwaan, ipinagbunyi nila ito sa pamamagitan ng pagpinta sa kanilang mukha gamit ang uling upang maging kahawig ang mga Ati.
Ang mga Ati ay kilala sa pagkakaroon nila ng maitim na balat at kulot na buhok, at ang salitang "Ati-atihan" ay may ibig sabihin na "Maging katulad ng isang Ati." Ang kapistahang ito, tulad din ng Sinulog sa Cebu, ay itinuturing na "Ina ng mga Pista sa buong Pilipinas" kung saan ginaya ang selebrasyon na ito sa ibang parte ng Pilipinas tulad sa:
Dinagyang sa Iloilo
Halaran sa Capiz
Binilirayan sa Antique
Maskarahan sa Bacolod
At sa iba pang barangay sa Aklan, Antique at Capiz.
Ang Ati-atihan dati ay isang pagan festival at ito ay unti-unting nagkaroonng kahulugang pang-Kristiyano noong dumating ang mga misyonaryo. Sa ngayon, ang ati-atihan ay ipinagdiriwang sa pagbibigay bunyi kay Santo Nino.
Ang selebrasyon ng Ati-atihan ay dinadagsa ng mga lokal at dayuhang turista hanggang ngayon.
Noong ika-13 siglo (c.1212AD), ipinagbili ng isang grupo ng mga Ati ang isang maliit na lupain sa mga Malay datus. Ang mga Ati ay ang mga orihinal na naninirahan sa Panay Island. Sa sobrang katuwaan, ipinagbunyi nila ito sa pamamagitan ng pagpinta sa kanilang mukha gamit ang uling upang maging kahawig ang mga Ati.
Ang mga Ati ay kilala sa pagkakaroon nila ng maitim na balat at kulot na buhok, at ang salitang "Ati-atihan" ay may ibig sabihin na "Maging katulad ng isang Ati." Ang kapistahang ito, tulad din ng Sinulog sa Cebu, ay itinuturing na "Ina ng mga Pista sa buong Pilipinas" kung saan ginaya ang selebrasyon na ito sa ibang parte ng Pilipinas tulad sa:
Dinagyang sa Iloilo
Halaran sa Capiz
Binilirayan sa Antique
Maskarahan sa Bacolod
At sa iba pang barangay sa Aklan, Antique at Capiz.
Ang Ati-atihan dati ay isang pagan festival at ito ay unti-unting nagkaroonng kahulugang pang-Kristiyano noong dumating ang mga misyonaryo. Sa ngayon, ang ati-atihan ay ipinagdiriwang sa pagbibigay bunyi kay Santo Nino.
Moriones Festival ( Marinduque )
Ang Pista ng Moriones ay isa sa makukulay na pagdiriwang sa pulo ng Marinduque. Ang Morion ay nangangahulugan “maskara”, na parte ng armor ng Romano na ipinapantakip sa mukha noong panahong Medyibal. Ang Moriones ay ang mga taong nakasuot ng maskara at nakagayak, na nagmamartsa paikot sa bayan, sa loob ng pitong araw sa paghahanap kay Longhino. Ang isang linggong pagdiriwang na ito ay nagsisimula sa Araw ng Lunes Santo at nagtatapos sa Pasko ng Pagkabuhay.
Ayon sa alamat, si Longinus, isa sa mga sundalong bulag ang isang mata at nakasaksi sa pagpapako ni Hesukristo ay ibinaon ang kaniyang espada sa tagiliran ni Hesukristo upang matiyak na siya ay tunay na patay na. Tumilamsik ang dugo sa matang hindi nakakakita ni Longinus at himalang ito ay biglang gumaling at nakakita. Dahil dito, siya ay nagbalik-loob at naging isang Kristiyano.
Hinabol ng mga sundalo si Longinus sa buong kabayanan hanggang siya ay nahuli at hinarap sa isang aktor na tumayo bilang si Ponsyo Pilato. Ang iba ay tumayo bilang mga Pariseo upang husgahan siya at noong Pasko ng Pagkabuhay, si Longinus ay hinatulan sa kaniyang pagbabago ng relihiyon sa pamamagitan ng pagpugot.
Ayon sa alamat, si Longinus, isa sa mga sundalong bulag ang isang mata at nakasaksi sa pagpapako ni Hesukristo ay ibinaon ang kaniyang espada sa tagiliran ni Hesukristo upang matiyak na siya ay tunay na patay na. Tumilamsik ang dugo sa matang hindi nakakakita ni Longinus at himalang ito ay biglang gumaling at nakakita. Dahil dito, siya ay nagbalik-loob at naging isang Kristiyano.
Hinabol ng mga sundalo si Longinus sa buong kabayanan hanggang siya ay nahuli at hinarap sa isang aktor na tumayo bilang si Ponsyo Pilato. Ang iba ay tumayo bilang mga Pariseo upang husgahan siya at noong Pasko ng Pagkabuhay, si Longinus ay hinatulan sa kaniyang pagbabago ng relihiyon sa pamamagitan ng pagpugot.
Panagbenga Festival ( Benguet )
Ang Pista ng Panagbenga o ang Pista ng mga Bulaklak ng Baguio (Ingles: Panagbenga Festival, Baguio Flower Festival) ay ang taunang kapistahan sa Lungsod Baguio na idinaraos sa buong buwan ng Pebrero. Ipinagmamalaki dito ang kasaganahan ng mga bulaklak sa Baguio gayun din ang mayamang kultura nila kung kaya't ito ay dinarayo taon-taon ng mga turista. Ang salitang panagbenga ay may kahulugang, "panahon ng pagyabong, panahon ng pamumulaklak". Tatak nito ang magarbong kaayusan ng bulaklak, sayawan sa kalye, flower exhibit, paglilibot sa hardin, paligsahan ng pagayos ng bulaklak, maningning na pagsabog ng mga paputok, at iba pa.
Noong taong 1995, ang abugadong si Damaso Bangaoet, Jr., ang dating Direktor ng John Hay Management Corporation (JHMC) ay bumuo ng ideya na magtatag ng isang kapistahan upang ipagmalaki ang masaganang bulaklak na matatagpuan sa Baguio. Sumang-ayon naman si Victor A. Lim, Tagapamahala ng Bases Conversion Development Authority (BCDA) at si Rogelio L. Singson. Itinatag ang proyektong ito upang tulungan ang lungsod na maka-ahon muli sa pagkakalugmok noong 1990 Luzon earthquake.
Sa pagutulungan ng iba't-ibang organisasyon tulad ng John Hay Poro Point Development Corporation (JPDC), dating JHMC at mga boluntaryo na mahilig sa bulaklak, nabuo ang Baguio Flower Festival (BFF). Bahagi ng kapistahang ito ang pagbubunyi ng kasaysayan at kultura ng Lungsod Baguio at ng Cordillera. Ang logo na puro sunflowers ay masterpiece ng isang estudyante mula sa Baguio City National High School na nagngangalang Trisha Tibagin na sumali sa Annual Camp John Hay Art Contest. Si Macario Fronda naman na nagmula sa Saint Louis University ang nagsulat ng opisyal na himno na kasabay ang tradisyonal na sayaw ng Ibaloi, ang Bendian dance.
Noong taong 1996, hinango ng flower festival ang Kankanaey na kung tawagin ay Panagbenga. Ito ay may kahulugang panahon ng pagyabong, panahon ng pamumulaklak na nilikha ni Ike Picpican, isang arkibista at kurado. Ipinagdiwang ang unang linggo ng flower festival noong Pebrero 9-18, 1996 sa komendasyon ng Resolution 007-1996. Mula noon, ang kaspitahang ito ay naging pangunahing atraksyon ng Lungsod Baguio na dinadayo ng libo-libong mga lokal at dayuhang turista upang matunghayan ang magarbong mga floral floats at street-dancing parade.
Noong 2001, ang dating isang linggong selebrasyon ay naging isang buong buwan na pista sa komendasyon ng Resolution 033-2001. Noong Hulyo 2002, nabuo ang Baguio Flower Festival Foundation, Inc. (BFFFI). Noong umupo si Braulio Yaranon bilang alkalde ng lungsod, itinatag niya ang Baguio Flower Festival Association (BFFA), at mula noon ang dalawang organisasyon na ito ang punong namamahala na ng kapistahan.
Noong taong 1995, ang abugadong si Damaso Bangaoet, Jr., ang dating Direktor ng John Hay Management Corporation (JHMC) ay bumuo ng ideya na magtatag ng isang kapistahan upang ipagmalaki ang masaganang bulaklak na matatagpuan sa Baguio. Sumang-ayon naman si Victor A. Lim, Tagapamahala ng Bases Conversion Development Authority (BCDA) at si Rogelio L. Singson. Itinatag ang proyektong ito upang tulungan ang lungsod na maka-ahon muli sa pagkakalugmok noong 1990 Luzon earthquake.
Sa pagutulungan ng iba't-ibang organisasyon tulad ng John Hay Poro Point Development Corporation (JPDC), dating JHMC at mga boluntaryo na mahilig sa bulaklak, nabuo ang Baguio Flower Festival (BFF). Bahagi ng kapistahang ito ang pagbubunyi ng kasaysayan at kultura ng Lungsod Baguio at ng Cordillera. Ang logo na puro sunflowers ay masterpiece ng isang estudyante mula sa Baguio City National High School na nagngangalang Trisha Tibagin na sumali sa Annual Camp John Hay Art Contest. Si Macario Fronda naman na nagmula sa Saint Louis University ang nagsulat ng opisyal na himno na kasabay ang tradisyonal na sayaw ng Ibaloi, ang Bendian dance.
Noong taong 1996, hinango ng flower festival ang Kankanaey na kung tawagin ay Panagbenga. Ito ay may kahulugang panahon ng pagyabong, panahon ng pamumulaklak na nilikha ni Ike Picpican, isang arkibista at kurado. Ipinagdiwang ang unang linggo ng flower festival noong Pebrero 9-18, 1996 sa komendasyon ng Resolution 007-1996. Mula noon, ang kaspitahang ito ay naging pangunahing atraksyon ng Lungsod Baguio na dinadayo ng libo-libong mga lokal at dayuhang turista upang matunghayan ang magarbong mga floral floats at street-dancing parade.
Noong 2001, ang dating isang linggong selebrasyon ay naging isang buong buwan na pista sa komendasyon ng Resolution 033-2001. Noong Hulyo 2002, nabuo ang Baguio Flower Festival Foundation, Inc. (BFFFI). Noong umupo si Braulio Yaranon bilang alkalde ng lungsod, itinatag niya ang Baguio Flower Festival Association (BFFA), at mula noon ang dalawang organisasyon na ito ang punong namamahala na ng kapistahan.
Mga Tradisyunal Na Laro Sa Pilipinas
Patintero o Harangang Taga
- Ang Pantintero ay isa sa popular na larong pambata sa Pilipinas, na kalimitang nilalaro sa kalye. Kilala din ito sa tawag ng Tubigan o Harangang Taga.
- a larong ito, kailangan markahan ang daan kaya naman kinakailangan ang mga gamit sa pagmarka, tulad ng stick, chalk, o uling.Anim o walong manlalaro ang pinakamainam na numero.
Piko
- Ang piko ay nilalaro sa lupa o sahig. Kailangan mong talunan ng tama ang nakalagay na numero kung ilang hakbang ng paa ang kailangan. Kailangan mong ibato ang pamato sa unang number, sa ikalawang turn mo ay sa ikalawang number at so on at so fort. Kapag narating mo ang dulo ay babalik ka sa simula ngunit kailanagan mo ng kunin ang pamatong binato mo kanina.Halos wala kang gagastusin sa paglalaro nito dahil ang pamatong gamit mo ay kahit anong bagay na makikita mo sa paligid. Ang panulat naman ay pwede na yung tig-pipisong chalk o yeso sa sari-sari store o malapit na bookstore.Ano ang pwedeng pamato? Tulad nga ng sabi ko kanina, halos kahit anong makita mo. Pwedeng tansan, bato, takip ng ballpen, tsinelas at kahit yung upos ng sigarilyo.
Palosebo
- palosebo, palo-sebo, palo sebo, o palocebo ay isang kinaugaliang laro ng mga Pilipino na karaniwang isinasagawa tuwing may kapistahang pambayan o anumang mahalagang okasyon, karaniwan na sa mga lalawigan. Kabilang sa tradisyonal na larong ito ang isang mahaba, kininis at nakatayong kawayan na nilagyan ng grasa. Kailangang akyatin ng mga nakikilahok sa laro upang abutin ang isang supot ng gantimpala, na karaniwang naglalaman ng salapi o mga laruan. Maaari ring isang banderitas o maliit na watawat ang aabutin bago magawaran ng tunay na premyo. Nilalaro ang akyatan ng kawayang may pampadulas na ito ng dalawa o higit pang bilang ng mga manlalaro. Karaniwang mga batang lalaki ang sumasali sa larong ito na ginagawa sa labas ng bahay. Diskwalipikado ang hindi makaabot sa pabuyang nakabitin sa dulo ng kawayan. Kailangang kalagin mula sa pagkakatali ang premyo bago pumadausdos pababa ang kalahok.
Tumbang Preso
- Tumbang Preso ay isang laro na kinawiwilihan ng mga batang Pilipino.
Mga kagamitan sa tumbang preso
- Lata - ang lata ang siyang nagsisilbing sentro ng laro. Maaring ito ay galing sa mga pinaglumaan o mga ginamit nang mga lata ng sardinas, gatas at iba pa. Kailangang hindi gaanong malaki ang lata para hindi ito madaling tamaan.
- Tsinelas - mahalaga ang tsinelas sa laro. Ito ang ginagamit na panira sa lata.
- Bato - maari ring gamitin ang bato sa pagtama sa lata ngunit karamihan ng mga bata ngayon mas pinipili ang tsinelas.
Luksong baka
Ang LUKSONG BAKA ay isa sa pinaka-popular na larong pinoy o laro ng lahi. Kinabibilangan ito ng isang taya at ng dalawa (2) o higit pang manlalaro. Ang taya ang siyang magsisilbing “baka” na kailangang lagpasan ng mga manlalaro. Habang tumatagal ang laro, tumutuwid ng tindig ang taya. Kailangan din itong hindi masagi ng mga manlalaro o ang alin mang parte ng katawan nito. Ang hindi makatalon o ang makasagi sa “baka” maliban sa kamay ang matataya. At babalik ulit sa simula ang laro. Isinasagawa ang larong ito sa isang malawak na lugar na walang magiging sagabal.
Ang larong ito ay hindi lang tumutulong sa mga kabataan na patibayin ang kanilang mga katawan o magsilbing isang maganda at masayang alaala ng pagkabata. Nagpapakita rin ito ng isang halimbawa sa buhay ng isang tao na kahit gaano kataas ang problema o pagsubok na tatalunan natin, malalagpasan pa rin natin ito. Hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa bagkus ay magkaroon ng matinding hangarin na makalagpas at makatalon ng mataas upang hindi maging “taya” sa tunay na mundo.
KULTURA NG MGA PILIPINO
Madalas na Kaugalian
- Pagmamano - Ito'y madalas ginagawa ng mga nakababata sa kanilang mga magulang o sa mga nakakatanda sa kanila.
- Paggamit ng "po" at "opo" sa nakakatanda - Ito'y simbolo ng pag rerespeto sa mga nakakatanda.
- Mahilig makipag kapwa-tao - Kapag madalas siloang may nakakasalamuhang tao.
- Mapagkumbaba - nananatili pa rin ang kanilang mga paa na nakaapak sa lupa.
Mga Pambansang Sagisag ng Pilipinas
Pambansang Puno “Narra”
- Ang Naga o mas kilala sa tawag na Narra (Pterocarpus indicus), na Pambansang Puno ng Pilipinas, ay isang puno na pinahahalagahan dahil sa angkin nitong tibay, bigat at magandang kalidad. Inihahalintulad ito sa mga Pilipino, na tulad ng Narra, ang mga Pilipino ay sadya ring matatag. Ang punong ito ay matatagpuan sa bawat lugar sa bansa. Ipinangalan ito alinsunod sa isang siyudad sa Naga, Bikol. Tinatawag din itong Asana ng mga Tagalog, Balauning ng mga Mangyan, Daitanag ng mga Kapampangan at Odiau ng mga Pangasinense.
Pambansang Dahon “Anahaw”
- Ang anahaw ( Livistona rotundifolia ) ay isang pabilog na dahon na palma na matatagpuan sa Timog-Silangang Asya. Kasapi ito sa genus Livistona na tinatawag na Footstool palm sa Ingles. Pambansang dahon ito ng Pilipinas.
- Karaniwang tanawin ang halaman na ito sa rehiyon. Tumutubo ito sa mga sub-tropikal na mga klima at mamasa-masang tropikal na lugar.
- Ginagamit ang mga dahon sa kugon at pambalot ng pagkain. Nabawasan ang laki ng mga ligaw na mga halaman dahil sa sobrang pag-ani. Bagaman mabilis na tumubo ang mga dahon pagkatapos anihin ngunit nagiging maliit ito.
Pambansang Prutas “Mangga”
- Ang mangga ay kabilang sa genus Mangifera, na binubuo ng ilang mga uri na namumungang puno sa namumulaklak na halaman ng pamilya ng Anacardiaceae. Likas ang mangga sa subkontinente ng Indyan lalo na sa Indya, Pakistan, Bangladesh, at Timog-silangang Asya. Napakaraming klase at karaniwang kulay ang prutas nito: may dilaw, luntian o pula. Kakaiba ang amoy na aromatikong ng prutas nito na maaaring gamitin sa iba’t-ibang sangkap o pabango. Prinipriserba rin ang mangga at ginagawang panghimagas o pansangkap sa iba’t ibang pagkain.
- May iba’t ibang uri ng mangga: may manggang indiyano, kinalabaw, piko o manggang mansanas. Tumutubo ang mangga sa mga bansang tropikal ngunit maaari ring tumubo ito sa mga lugar na malamig katulad ng Amerika. Umaabot ang taas ng mangga mula 50 hanggang 80 talampakan, inaalagaan ang puno ng mangga sa pamamagitan ng pagbuga ng mga gamot laban sa insekto. Sa Pilipinas, partikular sa Zambales at Guimaras, niluluwas ito palabas ng bansa para pagkakitaan.
Pambansang Ibon “Haribon”
Ang haribon ay isang malaking agila na makikita sa mga gubat
ng Luzon, Samar, Leyte at Rehiyon XII o SOCCSKSARGEN. Ito ay ang pambansang ibon ng Pilipinas. Ang haribon ay simbolo ng katapangan ng mga ninuno ng Pilipino. Sila ay may haba o taas na 1 metro at tumitimbang ng mula 4 hanggang 7 kilo. Tulad ng ibang agila higit na mas malaki ang babaeng haribon kaysa lalaki. Ang haba ng kanilang pakpak ay 2 metro o higit pa. Sila ay kumakain ng mga unggoy, malalaking ahas, kaguang, malalaking ibon gaya ng kalaw at mga bayawak.
Pambansang Hayop “Kalabaw”
Ang kalabaw (Bubalus bubalis carabanesis o minsan Bubalus carabanesis) ay isang domestikadong uri ng kalabaw na pantubig o water buffalo (Bubalus bubalis) na karaniwang matatagpuan sa Pilipinas, Guam, pati sa ibang bahagi Timog-silangang Asya. Madalas iniuugnay ang kalabaw sa mga magbubukid dahil ito ang kadalasang napiling hayop para sa pag-araro at magtulak ng kariton na ginagamit ng mga magbubukid upang madala ang kanilang ani sa palengke.
Pambansang Isda “Bangus”
Pambansang sagisag ng Pilipinas ang mga bangus. Sapagkat mabagsik sa pagiging matinik ang mga ito kung ihahambing sa ibang mga pagkaing isda ng Pilipinas, naging tanyag ang pagbili ng mga naalisan ng tinik na mga bangus mula sa mga tindahan at pamilihan. Ang MF Sandoval Trading (Bahay-Kalakal na MF Sandoval) ang nagpasimula ng pagbebenta ng mga naalisan ng tinik na mga bangus sa Lungsod ng Dagupan, Pangasinan. Ginamit ng kompanyang MF Sandoval ang katawagang “bangus na walang tinik” (boneless bangus) upang maging mas mabili at kaaya-aya ang produkto.
Pambansang Bulaklak “Sampaguita”
Ang sampaguita, kampupot o hasmin (Ingles: jasmin o jasmine) ay isang uri ng palumpong na may maliliit, mababango at mapuputing mga bulaklak. Mas maliit ang bulaklak nito kaysa ibang mga sampaga.
Pambansang Pagkain “Letsong Baboy”
Ang litson o letson (sa Kastila: lechón – biik) ay isang inihaw na buong baboy, bata man o hindi, na karaniwang nilalagyan ng mansanas sa bibig matapos na malutong nakatuhog sa kawayan habang nakadarang sa nagbabagang mga uling.
Pambansang Tirahan “Bahay-Kubo”
Ang bahay kubo o kubo lamang ay isang katutubong bahay na ginagamit sa Pilipinas. Ang katutubong bahay ay gawa sa kawayan na itinatali na magkasama, na may isang binigkis na bubong gamit ang dahon ng anahaw. Ang bahay kubo ay ang pambansang bahay ng Pilipinas. Ang bahay kubo ay gawa sa kawayan na pinagtali at mga nipa. Angkop ito laban sa hangin at ulan. Ngunit ito ay madaling masira sa mga bagyo at madaling palitan.
Pambansang Sayaw “Tinikling”
Ang tinikling ay ang halo-halo ng biyaya at kilusan na paa. Laban-laban sa pagitan ng paa at sanga ng kawayan.
Pambansang Kasuotan para sa mga Lalaki “Barong Tagalog”
Ang Barong Tagalog, Barong Pilipino, o Barong lamang ay burdadong pormal na kasuotan sa Pilipinas. Magaan lamang ito at sinusuot na hindi nakasuksok sa loob ng pantalon, katulad sa isang amerikana. Karaniwan itong kasuotang pormal o pang-kasal para sa mga lalaking Pilipino.
Naging tanyag ang pagsuot ng barong sa pamamagitan ni dating Pangulong Ramon Magsaysay, na sinusuot ito sa karamihan ng opisyal at pansariling mga okasyon, kabilang na dito ang pagluklok sa kanya bilang pangulo ng Pilipinas. Naging opisyal na pambansang kasuotan ang barong sa isang kautusan mula sa dating Pangulong Ferdinand Marcos noong 1975.
Pambansang Kasuotan para sa mga Babae “Baro at Saya”
Ang Baro’t saya ay isang uri ng pambansang damit sa Pilipinas na isinusuot ng mga kababaihan. Ang pangalan ay mula sa dalawang salitang Tagalog na baro at saya.
Pambansang Laro “Sipa”
Ang sipa ay isang uri ng laruang panlibangan, o laro na ginagamitan ng bolang ratan (tulad ng sa sepak takraw) o isang bilog at pinisang piraso ng bakal na may buntot na mga hibla ng plastik.
Pambansang Bayani “Dr. Jose Rizal”
Si Dr. José Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda (19 Hunyo 1861– 30 Disyembre 1896) ay isang Pilipinong bayani at isa sa pinakatanyag na tagapagtaguyod ng pagbabago sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Kastila. Siya ang kinikilala bilang pinakamagaling na bayani at tinala bilang isa sa mga pambansang bayani ng Pilipinas ng Lupon ng mga Pambansang Bayani.
Si Rizal ay nakilala sa dahil sa kanyang dalawang nobela, ang Noli Me Tangere, na nilimbag sa Berlin, Alemanya (1886) sa tulong ni Dr. Maximo Viola, at ang El Filibusterismo, na nilathala sa Gante, Belgica (1891); pinahiram siya ni Valentin Ventura ng 300 piso sa pagpapalimbag ng El Filibusterismo. Naglalaman ang mga ito ng mga paglalarawan at pagpuna sa mga nagaganap na pangyayari sa lipunang Pilipino ng mga panahong iyon. Ang mga aklat na ito ay halaw at hango sa Don Quixote ni Miguel Cervantes, manunulat na Espanyol. Ang mga ito ang naging daan upang magising ang puso’t diwa ng mga Pilipino.
Pambansang Sasakyan “Kalesa”
Ang kalesa ay isang sasakyang hinihila ng kabayo. Nakikita ito sa mga probinsiya ng Ilokos, lalo na sa may Vigan City, ang kabuuan ay yari sa kahoy at nilalagyan ng bakal bilang suporta. Ang kalesa ay pinapatakbo ng isang kutsero. Nilalagay ng sapin ang ilalim ng puwitan ng kabayo para dito babagsak ang mga dumi nito. May nakasabit ding mga balde ng tubig para inumin ng kabayo.
Pambansang Hiyas “Perlas ng Timog Karagatan”
Ang perlas ay isang uri ng hiyas na naaani mula sa ilang uri ng mga talaba, partikular na mula sa binga, ang makintab na panloob na bahagi ng kabibe. Nakukuha ang mga ito sa loob ng kabibe ng mga talabang naturan. Kalimitan itong hugis bilog at putian bagaman may nakukuha ding itiman o abuhin at ibang hugis bukod sa pagkabilog. Ginagamit ito sa paggawa ng mga alahas. May mga likas na perlas at mayroong mga sinadya o kinultura sa mga anihang pinangangasiwaan ng tao.
Pambansang Sapin sa Paa “Bakya”
Ang Bakya ay isang uri ng sapin sa paa na yari sa kahoy, karaniwan ay mula puno ng laniti at santol. Ito ay inuukit na may bahagyang lundo o kurba sa magkabilang bahagi upang bigyan ng anyong animo’y paa. May kakapalan ang kahoy na ginagamit sa paggawa ng bakya kaya naman kadalasan ay inuukitan pa ito ng ilang disenyo, gaya ng bulaklak at kabundukan. Nililiha ito upang kuminis, at kung minsan ay pinipinturahan upang mabigyan ng higit na kaaya-ayang anyo. Mahigit isang pulgada ang kadalasang taas ng bakya, at may ilan namang nilalagyan ng karagdagang takong upang mas umangat sa lupa.
Pambansang Watawat ng Pilipinas
Ang Pambansang Watawat ng Pilipinas, na tinatawag din na Tatlong Bituin at Isang Araw, ay isang pahalang na watawat na may dalawang magkasing sukat na banda ng bughaw at pula, at may puting pantay na tatsulok sa unahan. Sa gitna ng tatsulok ay isang gintong-dilaw na araw na may walong pangunahing sinag, na kumakatawan sa unang walong mga lalawigan ng Pilipinas na nagpasimula ng himagsikan noong 1896 laban sa Espanya; at sa bawat taluktok ng tatsulok ay may gintong bituin, na ang bawat isa ay kumakatawan sa tatlong pangunahing rehiyon – ang Luzon, Mindanao, at Panay. Maaari rin maging watawat pandigma ang watawat na ito kapag ibinaligtad.
Mga Paniniwala o Pamahiin ng Mga Pilipino
Pamahiin
- Madalas sa atin ay naniniwala sa mga pamanhiin may mga taong Hindi naniniwala sa mga Ito Pero wala namang mawawala kung Hindi susubukan diba.
MGA PAMANHIIN:
•PAGTULOG AT PANAGINIP
-Iwasan mo ang panaginip na paulit ulit sa pamamagitan ng pagbaliktad ng iyong unan
-Laging matulog ng nakaharap sa silangan,kung ayaw mong magkaroon ng magandang kinabukasan
-Kung tinutulungan ng isang tao ang kanyang mga libro,siya at magiging palatandain
-Pagkatapos mag aral sa gabi,ilagay mo ang ginamit mong libro sa ilalim ng iyong unan para manatili Ito sa iyong isipan o Hindi mo Ito makalimutan
•KAPAG GABI NA
-Umiyak ka sa gabi upang sa kinabukasan ay masaya ka
-Huwag kang magsusuklay sa gabi dahil baka ikaw at makalbo,maulila,o balo.Subalit kung kailangan mo talaga ng magsuklay kailangan mong kagatin ang dulo ng suklay
-Kapag kayo ay namamasyal kasama ang mga kaibigan lalo na sa gabi kailangan ay pantay ang inyong bilang.Dahil kung Hindi pantay ang inyong bilang maaaring ang isa sa inyo ay kukunin ng espiritu para maging pantay ang bilang
-Ang mga nalabhang damit aykunin dapat sa gabi para Hindi Ito isuot ng duwende
•SA ILANG ARAW
-Kung ano man ang iyong nararamdaman sa buong taon ay mananatili Ito hanggang buong taon
-Mas mabuti na makakita ng pera sa bagong taon kaysa sa gastusin Ito
-Ang pagtalon ng maaga sa araw ng pasko ay mapapabilis ang paglaki o pagtangkad ng isang tao
-Kung tumunog ang kampana sa linggo ng pagkabuhay.Sumigaw ka ng napakalakas upang ika'y magkaroon ng paghabang buhay
•MGA DAPAT AT DI DAPAT GAWIN
-Huwag kang magsusugal kung ikaw ay bagong gupit kundi ikaw ay mamalasin
-Huwag upuan ang mga libro.Kundi ikaw ay magiging bobo
-Maglagay ka ng luya sa iyong katawan kung pupunta kayo sa Hindi madalas puntahan para Hindi mapahamak sa masasamang espiritu dun
-Huwag kang magputol ng kuko ng Martes,Miyerkules,at Biyernes
-Kung ikaw ay maligaw baligtarin mo ang iyong damit upang makita mo ang tamang daan
•HUWAG SUKATIN ANG DAMIT PANG KASAL
-Dahil baka Hindi daw matuloy ang kasal.
•BAWAL MAG WALIS SA BAHAY KUNG MAY PATAY
-Dahil nasa paligid Lang daw ang kaluluwa nito at baka mataboy
•HUWAG KUMUNTA KUNG NASA HARAP KA NG KALAN
-Dahil baka makapangasawa ka ng sobrang tanda
•MASAMA PAG NANAGINIP KA NG NABUNOT ANG NGIPIN
-Baka may mamatay na kamag anak.Pero MA's mabuti kung Huwag mo na Lang ikuwento
•HUWAG MALIGO KUNG BIYERNES SANTO
-Dahil dugo ang lalabas sa gripo o poso
•SA UNANG DALAW NG BABAE KAILANGANG TUMALON NG TATLONG BAITANG SA HAGDAN
-Para Hindi lumampas ng tatlong araw ang dalaw
•MASAMA KUNG MAKASALUBONG KA NG ITIM NA PUSA
-Dahil senyales Ito na may masamang mangyayari
•BAWAL MAGWALIS NG GABI
-Dahil parang tinataboy mo na yung swerte
•KAPAG MAY PARU PARO NA LUMILIPAD SA LAMAY HUWAG TABUYIN O PATAYIN
-Dahil yun ang kaluluwa ng namatay
•HUWAG PAPASWIT O SISIPOL SA GABI
-Dahil tumatawag ka ng ahas
•BAWAL KUMAIN KUNG MADILIM O PATAY ANG ILAW
-Dahil sasaluhan ka ng lamang lupa
Mga Iba't Ibang Magagandang Tanawin Sa Pilipinas
BORACAY
Ang Boracay ang isang maliit na isla sa Pilipinas kung saan maraming tao na naeeganyong makita ang kagandahan nito. Matatagpuan ito sa "Northwest tip of Panay Island sa Western Visayas region ng Pilipinas. Ang Boracay Island ay nakatanggap na ng mga parangal mula sa mga ahensiya ng pamahalaan. Ang isla ay pinamamahalaan ng Philippine Tourism Authority at ang panlalawigang pamahalaan ng Aklan. Bukod sa kanyang white sand beach, ang Boracay ay sikat sa pagiging isa sa mga nangungunang mga destinasyon ng mundo para sa relaxation din. Noong 2012, ang Boracay ay iginawad bilang ang pinakamahusay na isla sa mundo mula sa International travel magazine.
MAYON VOLCANO
Ang Mayon Volcano na mas kilala rin bilang "Mount Mayon", ay isang aktibong bulkan sa lalawigan ng Albay, sa isla ng Luzon sa Pilipinas. Kilala ito dahil sa kaniyang "perpektong kono" dahil sa halos simetrikong hugis ng korteng kono nito. Ang Mayon ay bumubuo sa hilagang hangganan ng Legazpi City, ang pinaka mataong lungsod sa Bicol Region. Ang bundok ay ipinahayag ng isang pambansang parke at isang protektadong "landscape" noong Hulyo 20, 1938, ang una sa ating bansa. Ito ay reclassified na isang Natural Park at pinalitan ang pangalan ng Mayon Volcano Natural Park sa taon 2000.
CHOCOLATE HILLS
Ang Chocolate Hills ay isang "geological formation" sa Bohol Province, Philippines. May mga hindi bababa sa 1260 mga burol ngunit maaaring may bilang na 1776 na mga burol ang maikakalat sa isang lugar dahil sa higit sa 50 square kilometers (20 sq mi) ang kaniyang lawak. Sila ay sakop ng berdeng damo na nagiging brown (tulad ng tsokolate) sa panahon ng dry season, at berde naman tuwing panahon ng wet season. Ang Chocolate Hills ay isang sikat na tourist attraction ng Bohol. Ang mga ito ay itinampok na bandila ng probinsiya at selyo upang katawanin ang kasaganaan ng natural na mga atraksyon sa lalawigan. Ang mga ito ay kasama sa mga listahan ng mga turista na destinasyon sa Pilipinas ayon sa Philippine Tourism Authority. Ang mga ito ay ipinahayag na "Country's third National Geological Monument" at ipinanukala para sa pagkakasama sa UNESCO World Heritage List.
PALAWAN UNDERGROUND RIVER
Ang Puerto Princesa Subterranean River National Park ay isang protektadong lugar ng Pilipinas na matatagpuan mga 50 kilometres (30 mi) north of the city centre of Puerto Princesa, Palawan. Ang pambansang parke ay matatagpuan sa Saint Paul Mountain Range sa hilagang baybayin ng isla. Ito ay bordered sa pamamagitan ng St Paul Bay sa hilaga at ang Babuyan River sa silangan. Ang Gobyerno ng Puerto Princesa City ay pinamamahalaang National Park mula noong 1992. Ang entrance sa ilalim ng lupa ilog ay isang maikling paglalakad mula sa bayan Sabang. Noong 2010 natuklasan ng isang pangkat na ang mga ilog sa ilalim ng lupa ay may ikalawang palapag, na nangangahulugan na may mga maliit na talon sa loob ng kweba. Nakatagpo din ang mga ito ng kwebang simboryo na nasusukat na 300 m (980 ft) sa itaas ng ilog sa ilalim ng lupa, "rock formations", "malaking paniki", isang malalim na butas na sa ilog, maraming "river channel", isa pang malalim na kuweba, pati na rin ang iba pang nilalang ng tubig at higit pa.
TUBBATAHA REEF
Ang Tubbataha reef Natural Park (Pilipino: Bahurang Tubbataha) ay isang protektadong lugar ng Pilipinas na matatagpuan sa gitna ng Sulu Sea. Ang "marine and bird sanctuary" ay binubuo ng dalawang malaking atolls (pinangalanan ang North Atoll at South Atoll) at ang mas maliit na Jessie Beazley Reef sumasakop sa isang kabuuang area ng 97,030 ektarya (239,800 ektarya; 374.6 sq mi). Ito ay matatagpuan 150 kilometro (93 mi) timog-silangan ng Puerto Princesa City, ang kabisera ng Palawan. Noong Disyembre 1993, ipinahayag ng UNESCO na ang Tubbataha reef National Park ay tinagurian na isang World Heritage Site bilang isang natatanging halimbawa ng isang atol reef na may isang napakataas na density ng marine species; Ang North Islet ay nagsisilbing nesting site para sa mga ibon at sa dagat pagong. Ang site ay isang mahusay na halimbawa ng isang malinis coral reef na may mga nakamamanghang 100-m patayong pader, malawak na lagoons at dalawang coral na isla. Noong 1999, isinama ng Ramsar ang Tubbataha bilang isa sa mga "Wetlands of International Importance".
LUNGSOD NG VIGAN
Ang Lungsod ng Vigan (Ilokano: Ciudad Ti Bigan; Tagalog: Vīgân) ay isang "fourth class city" sa lalawigan ng Ilocos Sur, Pilipinas. Ito ay ang kabisera ng Lalawigan ng Ilocos Sur. Ang lungsod ay matatagpuan sa kanlurang baybayin ng malaking isla ng Luzon, nakaharap sa South China Sea. Ayon sa "2010 Philippines census" , ito ay may populasyong 49,747 mga tao. Ito ay "World heritage site" dahil isa ito sa mga "Hispanic Towns" a natira sa Pilipinas kung saan nanatili itong maayos at buo. Ito rin ay kilala dahil sa kanyang "cobblestone streets" at isang natatanging arkitektura na nagfufuses sa Philippine and Oriental building designs and construction, kasama sa colonial European architecture. Ang dating Philippine President Elpidio Quirino, ang ika-anim na presidente ng Pilipinas, ay ipinanganak sa Vigan, sa kasalukuyang lokasyon ng Provincial Jail (ang kanyang ama ay isang tanod); at tumira sa Syquia Mansion.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento